Meron o wala?
Second meeting namin sa Physics 2 eh recitation agad. Kabang-kaba na nga ako sa kinauupuan ko eh kasi baka hindi ko masagot. Tapos ayun, meron o wala lang tinanong sakin. Sunud-sunod pa kaming pinagtatanong. Lahat ng kaba ko napunta sa meron o wala. Ang swerte ko. Pero baka next time mahirap na itanong, wag naman. Swertehan lang talaga kung anong pangalan makita niya dun sa Attendance namin eh.
